Start of Class
Simula na ng klase, isang linggo lang ang bakasyun nagkasakit pa ko. Another preparation but i think mas madali na kasi nahandle ko na ang mga binigay sa akin na subjects but still hindi ako pwedeng mag papetiks petiks. I still need to review certain topics para ma explain ko ng mabute sa mga estudyante ko. I think totoo talaga na kapag matagal mo ng handle ang isang subject ay madali ng ituro pero kung simula pa lang talaga e napakahirap mangapa kahit na may alam ka about it. Hirap kasing i deliver ang mga topics lalu pag bagong subjects nanaman. Anyway i need to finish pa yung mga grades kasi ang daming mga pasaway na estudyante na hindi marunung mag kusa na tapusin ang mga projects nila on time. Bigyan mo ng deadline hindi naman tinatapos then aangal angal pag bagsak na. Kung hindi lang ako naaawa sa mga bata dami kong binagsak e. Pero dami kasing dapat i consider and they misinterpret it. Passing is not the only thing na dapat matutunan ng mga bata dapat pati discipline meron din sila. Anyway sila din naman ang mag suffer pag wala silang discipline. Graduate ka nga wala ka namang discipline sa sarili i dont think tatagal ka sa isang company pag nasa industry na sila. Nowadays hindi na pataasan ng grades kundi pass lang ok na sa kanila kahit major sujects nila yun. Hirap magturo lalu pag hindi alam ng estudyante ang limits sa jokes at walang mga respect sa mga professors. Kaya need ko ng maghigpit simula ngayun para hindi matulad sa mga naunang batch ng CoET ang mga 2nd year. This time pag bagsak, bagsak talaga……